Presyo ng MLBB Diamonds sa Pilipinas (PHP)
Ito ang mga kasalukuyang package at presyong nakalagay sa page. Maaaring magbago ang presyo, kaya ang PHP total sa checkout ang final na amount.
Nagbabago ang presyo ng package ayon sa promo at exchange rate; ipinapakita ng checkout ang kasalukuyang presyo bago ka magbayad.
Ang One Time Weekly Diamond at hiwalay sa standard diamond packages.
ML dias, diamond ML, at top up ML: pareho ang binibili
Sa Pilipinas, maraming tawag ang players sa diamonds: ML dias, dias ML, dayas, o dayamon. Iisa lang ang tinutukoy ng mga ito sa page na ito: ang diamonds na maikakredit sa account na naka-link sa User ID at Zone ID na ilalagay mo.
Pareho rin ang ML recharge at ML top up. Pumili ka lang ng package, i-confirm ang player details, at bayaran ang kabuuang PHP amount. Walang password na kailangan sa anumang step.
Paano mag-top up ng MLBB diamonds
Ilagay ang User ID at Zone ID ng account na tatanggap ng diamonds.
I-confirm na tama ang player details na lumabas sa checkout.
Pumili ng diamond package o One Time Weekly Diamond.
Piliin ang payment method na available para sa order mo at bayaran ang PHP total.
Ang order ay para sa account na naka-link sa mga ID na inilagay mo. I-check ang parehong numero bago magbayad dahil hindi basta-basta naililipat ang completed top up sa ibang game account.
Weekly Diamond at First Top Up Bonus
Ang One Time Weekly Diamond at hiwalay sa standard diamond packages. Tingnan sa game ang kasalukuyang daily rewards, stacking rules, at event requirements bago bumili.
Ang First Top Up Bonus tab ay may 50+5, 150+15, 250+25, at 500+65 na may 2x marker. Ayon sa checkout, applicable ang 2x reward sa first purchase ng variant na iyon at may terms. I-confirm ang marker at napiling package bago magbayad.
Delivery at kapag hindi pa dumating ang Diamonds
Karaniwang instant ang delivery pagkatapos ma-confirm ang bayad. Maaaring tumagal kapag pending o under review ang payment o may delay sa game service. Kung mali ang account details, maaaring mabigo ang order o mapunta ito sa ibang account.
Kung paid na ang order at wala pa ang diamonds, tingnan muna ang order status at ang Settings → Record → Diamonds sa account na tatanggap ng diamonds. Kung hindi pa rin kumpleto, kontakin ang DearPlayers support at ibigay ang Order ID. Huwag mag-place ng duplicate order habang pending ang unang bayad.
Saan makikita ang diamonds na na-credit
Pagkatapos ng order, buksan ang Mobile Legends at pumunta sa Settings → Record → Diamonds. I-check ang pinakabagong Diamond entry at ang pagbabago sa balance.
Panatilihin ang Order ID hanggang lumabas ang Diamond entry o ang One Time Weekly Diamond sa record.
Para saang MLBB account region
Ang product na ito ay para sa Mobile Legends account na naka-register sa Pilipinas. I-che-check ng checkout ang receiving account pagkatapos mong ilagay ang User ID at Zone ID.
Para sa account na hindi naka-register sa Pilipinas, maaaring i-convert ang MLBB (PH) package sa ibang regional package dahil sa region restrictions ng Moonton. Dahil dito, maaaring iba ang halagang matanggap mo kaysa sa package na pinili. Huminto bago magbayad kung hindi tugma ang player details o may nakalagay na hindi eligible ang account.
Kung ang account ay naka-register sa Indonesia, gamitin ang Mobile Legends Diamonds Global.
Final na presyo at failed delivery
Ang PHP total sa checkout ang final na sinisingil ng DearPlayers. I-review ito bago i-confirm ang order.
Kapag confirmed na hindi natuloy ang delivery, makipag-ugnayan sa support gamit ang Order ID at sundin ang refund policy. Ang bank o payment provider ang may kontrol kung kailan papasok ang refund sa original payment method.